Sa Forex trading, maraming mga termino na dapat mong maunawaan upang mas maging epektibo ang pag-analyze at pag-trade. Narito ang ilan sa mg...
Sa Forex trading, maraming mga termino na dapat mong maunawaan upang mas maging epektibo ang pag-analyze at pag-trade. Narito ang ilan sa mga pangunahing jargon na ginagamit sa Forex at ang kanilang mga kahulugan. Para sa mga baguhan, mahalagang malaman ang mga ito upang hindi malito sa iba't ibang aspeto ng Forex market.
Currency Pairs
Sa Forex trading, palaging magkapares ang mga currency o pera na tine-trade. Halimbawa, ang EUR/USD ay ang currency pair kung saan ang Euro ang base currency at ang USD ang quote currency. Ang presyo ng currency pair ay nagsasabi kung magkano ang halaga ng base currency kumpara sa quote currency.
Pip
Ang pip ay ang pinakamaliit na pagbabago sa presyo ng isang currency pair. Karaniwang nasa ika-apat na decimal place ito (halimbawa, kung mula 1.2345 naging 1.2346, iyon ay 1 pip). Mahalaga ito sa pagsukat ng paggalaw ng presyo at sa kita o lugi ng isang trade.
Spread
Ang spread ay ang pagkakaiba sa pagitan ng bid (buy) price at ask (sell) price ng isang currency pair. Karaniwan itong maliit na halaga, ngunit sa maraming trades, ang spread ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kita ng isang trader.
Leverage
Ang leverage ay ang kakayahan ng isang trader na mag-trade ng mas malaking halaga kaysa sa kanyang aktwal na puhunan. Halimbawa, sa 1:100 leverage, maaaring mag-trade ng 100 beses na mas malaki kaysa sa aktwal na kapital. Bagaman may potensyal na mas malaking kita, ang leverage ay may kasamang malaking risk.
Margin
Ang margin ay ang halaga ng pera na kailangan upang magbukas ng isang leveraged na position. Ito ang bahagi ng iyong account balance na i-allocate bilang collateral ng iyong broker. Sa madaling salita, ito ang puhunan na kailangang i-reserve para makapag-trade gamit ang leverage.
Lot Size
Ang lot size ay ang volume ng trade na iyong ini-execute. May iba't ibang sukat tulad ng standard lot (100,000 units), mini lot (10,000 units), at micro lot (1,000 units). Ang pip value ay nakadepende sa laki ng iyong lot kaya mahalaga ang pag-unawa sa lot sizes upang mas tama ang calculation ng kita o lugi.
Stop Loss (SL) at Take Profit (TP)
Ang stop loss ay isang order na inilalagay upang limitahan ang pagkalugi. Kapag naabot ng presyo ang stop loss level, awtomatikong magsasara ang trade. Sa kabilang banda, ang take profit ay isang order na inilalagay upang isara ang trade kapag naabot ang target profit level. Mahalaga ang dalawang ito para sa risk management.
Break Even (BE)
Ang break even ay tumutukoy sa punto kung saan hindi ka kumikita o nalulugi sa iyong trade. Inililipat ng trader ang stop loss sa entry price upang protektahan ang kapital sa oras na may kita na ang trade.
Money Management (MM)
Ang money management ay ang diskarte ng pamamahala sa kapital at pag-alam ng tamang risk per trade upang protektahan ang account mula sa malaking pagkalugi.
Support and Resistance (SnR)
Ang support ay ang antas kung saan madalas tumigil ang pagbaba ng presyo, habang ang resistance ay ang antas kung saan madalas tumigil ang pagtaas ng presyo. Mahalaga ang SnR sa pag-analyze ng market trends.
Supply and Demand (SnD)
Ang supply and demand zones ay nagpapakita ng mga antas kung saan ang presyo ay may malakas na pagbili o pagbenta. Ito ay ginagamit ng mga traders upang mahanap ang potential reversal points.
Support become Resistance (SER) at Resistance become Support (RbS)
Ang SER ay nangyayari kapag ang dating support level ay nagiging resistance level, habang ang RbS ay kabaligtaran nito, kung saan ang dating resistance ay nagiging support.
Margin Call (MC)
Ang margin call ay ang abiso mula sa broker kapag ang account ay may hindi sapat na margin para panatilihin ang mga open trades. Kadalasang kinakailangan ang dagdag na kapital upang maiwasan ang total loss o liquidation ng mga trades.
Cut Loss (CL)
Ang cut loss ay isang diskarte na isinasara ang trade para limitahan ang pagkalugi, karaniwang ginagawa kapag ang presyo ay patuloy na kumikilos laban sa posisyon ng trader.
Pending Order (PO)
Ang pending order ay isang order na nagsasaad ng price level kung saan mo gustong pumasok sa market. Hindi ito agad na e-execute hanggang maabot ang napiling presyo.
Re-entry o Layer
Ang layering o re-entry ay isang diskarte kung saan ang trader ay nagdadagdag ng posisyon sa kasalukuyang trade kapag ang market ay pumabor pa lalo sa kanyang analysis.
Trendline (TL)
Ang trendline ay ginagamit sa pag-chart upang tukuyin ang market trend. Ginuguhit ito mula sa mga low points sa isang uptrend o high points sa isang downtrend.
Sa pamamagitan ng pag-intindi ng mga pangunahing terminolohiyang ito, mas magiging handa ka sa pag-navigate sa Forex market at makakagawa ng mas informed trading decisions. Matutunan ang mga ito upang mas mapalakas ang iyong trading skills!
COMMENTS