Ano ang Forex Trading? Ang Forex o "Foreign Exchange" ay ang pagbili at pagbebenta ng iba’t ibang mga currency o pera sa buong mun...
Ano ang Forex Trading?
Ang Forex o "Foreign Exchange" ay ang pagbili at pagbebenta ng iba’t ibang mga currency o pera sa buong mundo. Sa simpleng paliwanag, dito ka kikita sa pagbabago ng halaga ng mga currency. Halimbawa, kung mabibili mo ang USD (U.S. Dollar) sa murang halaga at tumaas ito, puwede mong ibenta para kumita.
Bakit Popular ang Forex Trading?
- Malawak na Market – 24/5 (Monday-Friday) ang operasyon nito, kaya puwedeng mag-trade kahit saan at kahit kailan.
- Leverage – Sa Forex, puwede kang mag-trade kahit maliit lang ang kapital dahil sa leverage, na nagpapahintulot sa iyo mag-trade ng mas malaking halaga kaysa aktwal na puhunan mo.
- Opportunity to Earn – Puwede kang kumita kahit tumataas o bumababa ang value ng currency basta tama ang analysis mo.
Mga Mahahalagang Terminology
- Currency Pairs – Ito ang magka-partner na pera, tulad ng EUR/USD (Euro vs. U.S. Dollar). Sa bawat pair, may "base currency" (yung nasa kaliwa) at "quote currency" (yung nasa kanan).
- Pip – Ito ang maliit na pagbabago sa halaga ng currency. Halimbawa, kung tumaas ang EUR/USD mula 1.1000 papuntang 1.1001, isang pip ang inakyat nito.
- Spread – Ito ang pagkakaiba ng buying at selling price. Para kang kumikita kapag nabili mo sa mababang spread at naibenta mo sa mas mataas.
- Leverage – Ito ang “utang” na ipinapahiram sa iyo ng broker para mas lumaki ang volume ng trade mo. Pero mag-ingat na mabuti, kasi pati ang risk ay lumalaki sa leverage.
Alamin ang iba pang mga Jargon → https://www.pipsconomy.com/2024/10/forex-trading-jargon.html
Paano Magsimula sa Forex Trading?
- Maghanap ng Trusted Broker – Mag-register sa isang broker na may magandang reviews at regulated — Tulad ng EXNESS!
- Mag-open ng Demo Account – Para masanay, mag-trade muna gamit ang demo account. Dito mo matutunan ang takbo ng trading nang walang financial risk.
- Aralin ang Trading Platform – Pinakamahalaga dito ang MetaTrader. Gamit ang MetaTrader, puwede kang mag-analyze ng chart at mag-execute ng trades.
Tips Para sa Baguhan
- Huwag Muna Magmadali – Mag-focus muna sa pag-aaral ng market bago mag-invest ng malaking pera.
- Mag-set ng Risk Management – Alamin ang pag-set ng stop loss at ang tamang paggamit ng leverage para maiwasan ang malaking pagkalugi.
- Subukan ang Iba’t Ibang Strategy – Puwedeng subukan ang day trading o swing trading para malaman kung ano ang bagay sa’yo. → Maaari ka rin sumabay sa pag-trade habang nag-aaral ka sa trading, join ka sa ating Discord Server.
Sa Forex, mahalaga ang disiplina at pag-aaral. Kapag alam mo ang basics at naka-develop ka ng sarili mong strategy, mas magiging handa ka para sa trading journey mo!
COMMENTS